Abril 19, 1982 nang mapili ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang unang babaeng ipadadala sa kalawakan mula sa Earth.

Si Sally Ride ang unang babaeng American, at ang pinakabata na napili para sa spaceflight, at isinakatuparan ito nang sumunod na taon sa tulong ng Space Shuttle Challenger. Gumugol siya ng mahigit 343 oras sa kalawakan bago nagretiro mula sa NASA.

Ilang libro ang isinulat ni Sally at itinatag niya ang “Sally Ride Science”, isang kumpanya na layuning magbigay ng inspirasyon sa mga estudyante sa larangan ng space at science.

Pagkatapos ng kanyang makasaysayang spaceflight, 39 na babaeng NASA astronaut ang sumunod sa kanyang yapak, kabilang ang mga shuttle commander at isang International Space Station commander.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Taong 2012 nang pumanaw si Ride sa edad na 61 matapos makipaglaban sa pancreatic cancer sa loob ng 17 buwan.

Itinuturing siya ng maraming Amerikano bilang isang pioneering astronaut na nagtutungo sa mga lugar na hindi pa nararating ng ibang babae.