Nasa Intensive Care Unit (ICU) ng isang ospital ang isang welder matapos makuryente habang nagkukumpuni sa poste ng kuryente sa Quezon City, nitong Biyernes ng umaga.

Sinabi ng Quezon City Police District (QCPD) na naka-confine ngayon sa Quezon City General Hospital si Bryan Catalino, 32, ng Barangay Tatalon, dahil sa tinamong sunog sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa pulisya, nagwe-welding si Catalino sa isang poste ng Meralco sa panulukan ng Kundiman at Zorra Streets sa Bgy. Paltok nang biglang makuryente.

Napag-alaman ng mga imbestigador na aksidenteng naidikit ni Catalino ang bakal na bahagi ng poste sa isang live wire. (Vanne Elaine Terrazola)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20