Lalo pang bumagsak ang export sales ng Pilipinas nitong Pebrero dahil sa malaking pagbaba ng pangunahing export commodities, kabilang na ang articles of apparel and clothing accessories at mga kemikal, inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ng PSA na bumaba ng 4.5 porsiyento sa $4.310 billion ang Philippine exports nitong Pebrero.

Nagresulta ito sa 4.5 porsiyentong pagbaba sa total exports sa unang dalawang buwan ng taon, na umabot sa $8.498 billion.

Ipinalagay na ang negative growth ay itinulak ng paghina ng limang pangunahing kalakal mula sa top ten export commodities para sa nasabing buwan. Ito ay kinabibilangan ng articles of apparel and clothing accessories, na bumaba ng 44.9%, mga kemikal (-38.5%), iba pang produkto (-15.5%), metal components (-13.3%), at coconut oil (-5.1%).

Tsika at Intriga

Boy Abunda, 'agree' sa reaksyon ng publiko tungkol sa 'concert issue' ni Julie Anne

Sa electronic products, ang top export product o 49.4% ng total exports, ang nagpataas sa revenues nito ng 8.1% sa $2.131 billion noong Pebrero. (Maricel Burgonio)