OTTAWA (AFP) – Sinabi ni Canadian Health Minister Jane Philpott nitong Lunes na magpapadala sila ng emergency psychiatric team sa isang nakahiwalay na komunidad ng mga katutubo upang tugunan ang pagtaas ng kaso ng attempted suicide matapos 11 residente ang nagtangkang magpatiwakal ngayong buwan.

Inaasahang darating ang grupo sa Attawapiskat, ang komunidad ng 2,000 mamamayan sa James Bay sa hilaga ng Ontario province, sa mga susunod na araw.

Laganap ang matinding kahirapan at kawalan ng pag-asa sa mga komunidad ng katutubo sa Canada, na nagiging dahilan ng mga pang-aabuso, pagpapakamatay at krimen.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo