ECHAGUE, Isabela – Agad na nasawi ang isang lalaki matapos siyang mahulog sa sinasakyang motorsiklo dahil sa sobrang kalasingan at masagasaan ng kasunod niyang SUV habang binabagtas ang Maharlika Highway sa Barangay Ipil, Echague.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Ronnie Ubaldo, nasa hustong gulang, ng Bgy. Gumbaoan, Echague, habang arestado naman at nahaharap sa reckless imprudence resulting to homicide si Johnny Escuadro, 49, driver, ng Bgy. Quezon, San Isidro, Isabela.

Nabatid na dakong 9:00 ng gabi nitong Sabado, sakay sa kanyang scooter si Ubaldo at binabaybay ang Maharlika Highway sa Bgy. Ipil nang sa sobrang kalasingan at mahulog siya sa minamaneho hanggang masagasaan ng Mitsubishi Pajero (XGB-923) na minamaneho ni Escuadro. - Liezle Basa Iñigo

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol