ECHAGUE, Isabela – Pinatay sa saksak ang isang 20-anyos na babaeng sales clerk ng mga hindi nakilalang lalaki na nangholdap sa convenience store na pinagtatrabahuhan ng biktima sa Barangay San Antonio Minit sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Julie Anne Limos, dalaga, ng Bgy. San Francisco, Aglipay, Quirino.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 8:40 ng gabi nitong Biyernes nang maiwang mag-isa ang biktima sa pagmamando sa Carido convenience store sa Bgy San Antonio Minit sa Echague.

Hinoldap ng hindi pa batid na bilang ng mga suspek ang establisimyento at tinangay ang P10,000 cash bago pinagsasaksak ang biktima habang papatakas. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae