TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Nasakote ng mga tauhan ng pulisya sa lungsod na ito ang isang lalaki na matagal nang pinaghahanap sa panggagahasa sa isang 14-anyos na babae sa siyudad.

Pinangunahan ni SPO2 Ronnie del Rosario ang operasyon ng Tacurong City Police laban kay Elpidio Diolino, Sr., nasa hustong gulang, may asawa, magsasaka, ng Barangay Poblasyon, na matagal na nagtago sa batas matapos maakusahan ng rape na may kaugnayan sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law).

Dakong 9:10 ng umaga nitong Biyernes nang maaresto si Diolino.

Nabatid na nag-ugat ang kaso sa reklamo ng isang 14-anyos na babae na nagsabing dalawang beses siyang hinalay ni Diolino ilang buwan na ang nakakaraan habang nasa bahay nila ito. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae