Ritz copy copy

MUKHANG mas maganda ang offer ng GMA-7 dahil balitang dito na lilipat si Ritz Azul, sabi ng ilang kaibigan ng dalaga sa TV5.

Sinulat namin two weeks ago na nakita namin si Ritz na may kausap na talent coordinator sa Grub restaurant sa ELJ Building ng ABS-CBN kaya inisip namin na sa Dos siya lilipat, pero hindi pala natuloy.

Baka nga mas okay ang offer ng Kapuso Network lalo’t kakaunti ang artista nila kumpara sa ABS-CBN at baka sinabihan pa si Ritz na maghintay na muna ng programang puwedeng paglagyan sa kanya.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

E, sa pagkakaalam namin, matagal nang walang show si Ritz sa TV5 kaya kailangan na niyang magkaroon kaagad ng pagkakakitaan.

Nakapanghihinayang si Ritz kasi marami kaming kakilala sa TV5 na nagsasabing maayos siyang katrabaho, mabait, mahusay umarte, at maganda naman din.

Goodluck, Ritz! (Reggee Bonoan)