Magandang balita sa mga consumer sa lalawigan ng Pangasinan.

Nakatakdang mag-ikot ang Department of Trade and Industry (DTI) Diskwento Caravan sa lungsod ng Bolinao, Pangasinan sa Abril 26.

Ayon sa DTI, ito na ang ikalawang beses na magkakaroon ng Diskwento Caravan na gaganapin sa Don Raymundo Sports Complex sa Bolinao, mula 6:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Asahan na ang 5 hanggang 20% discount sa grocery items, appliances, construction materials, school supplies at NFA rice na alok ng DTI Diskwento Caravan sa mga mamimili.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Hinihikayat ng ahensiya ang publiko na samantalahin ang pagkakataon upang makabili ng mas abot-kayang bilihin at makatipid sa mga bilihin. (Bella Gamotea)