MAJA_star magic item copy copy

DINUMOG ng Star Magic fans ang star-studded na Tatak Star Magic: The 1 Million Thanksgiving Celebration nitong nakaraang Linggo sa Trinoma Activity Center.

Ang show ay bilang pasasalamat ng talent development and management arm ng ABS-CBN sa lahat ng suporta sa Star Magic at selebrasyon din sa pagkakaroon ng isang milyong followers ng official Star Magic Instagram account na @starmagicphils.

Mistulang isang malaking gathering of fans club na umabot sa sampung libong attendees ang hindi magkamayaw sa pagsigaw dala ang kani-kanilang streamers at banners. Hindi alintana ang initng araw at matiyagang pumila ang fans makita lamang ang kanilang mga paboritong Star Magic stars.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Halos 50 mga artistang alaga ng Star Magic ang nakisaya nang araw na iyon kabilang sina Tippy Dos Santos, Alora Sasam, Ryan Rems, Robi Domingo, Gimme 5’s Grae Fernandez, John Bermundo, Joaquin Reyes at Brace Arquiza, AlexaIlacad, JK Labajo, Sue Ramirez, Showtime’s Hashtags at Girltrends, at IñigoPascual.

Dumating din ang singing prowess na sina Jason Dy, Liezel Garcia, JK Labato at Darren Espanto. Present din ang Star Magic kilig love team sa TomiHo (Tommy Esguerra and Miho Nishida), BaiLona (Bailey May and Ylona Garcia) at LoiShua(LoisaAndalio and Joshua Garcia)

Hindi rin nagpahuli ang Teen Queen Kathryn Bernardo at Dance Queen Maja Salvador para makipag-bonding sa fans.

Mas nakumpleto ang selebrasyon dahil nakasama ng fans si PioloPascual. Hindi ininda ng Ultimate Kapamilya heartthrob ang kalmot at kurot na inabot mapasaya lamang ang solid Star Magic fans.

Naisagawa ang naturang Star Magic event dahil sa tulong ng Guitar Undergarment, Nice Print Photography, CTguyz, Stellar Team, Trinoma at Ayala Malls.