Andre and Barbie (4) copy copy

SI Andre Paras ang una naming nakausap sa set ng That’s My Amboy, ang romantic-comedy primetime series na pinagbibidahan nila ni Barbie Forteza sa GMA-7. Kababalik lang nila from a series of shows sa California noong Holy Week, kasama sina Ai Ai delas Alas, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Jose Manalo for GMA Pinoy TV. 

Kumusta ang bonding nila ni Barbie sa first time nilang pagsasama sa show abroad?

“Thankful po ako kasi kahit limited lang ang time namin doon, dahil sa super hectic schedule namin, masaya kami dahil nakapag-give back kami sa mga tao at nakita namin ang support nila sa amin,” kuwento ni Andre. “Ang crowd parang tulad din dito sa atin, and it’s good to make them feel at home at napasaya namin sila. May mga naiyak pa nga sa tuwa habang nanonood sa amin.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Sayang nga lamang na hindi kami nakapasyal or nakapag-bonding ni Barbie kasi tatlong lugar ang pinuntahan namin, nagkikita na lamang kami sa show, then tulog and the next morning, lipat na kami sa next venue namin.

“Mas nauna ako kay Barbie, dahil I want to spend time with my brother Kobe, bonding, nag-catch up kami dahil nandoon nga siya sa LA at ako narito sa Pilipinas. Nakakatuwa na nanood siya ng show namin at na-meet niya personally ang mga lola. Kobe is graduating na from high school and he will enter college na. I’m happy na iyong dream niya, nagsisimula nang matupad. I hope ma-televise iyong games niya rito para masuportahan naman natin.”

Biniro si Andre ng reporters kung hindi ba siya naiinggit kay Kobe na may girlfriend na.

“Opo, naunahan ako, but she is his inspiration. Ako naman, focus lang muna talaga sa career at studies ko, dahil gusto kong matapos ang college ko, promise ko iyon sa parents ko. I’m into second year college na in San Beda.”

Hindi ba siya nakararamdam ng kilig sa mga eksena nila ni Barbie na parang natural ang pagiging magnobyo nila?

“Meron naman po. Smile nga lang niya nakakahawa na.  hen you see her smile, buhay na naman ang taping at happy kami lagi sa set. Almost two years na kaming magkasama ni Barbie, since noon pang ginawa namin ang The Half Sisters kaya very comfortable na kami sa isa’t isa. Si Barbie, she clicks to everyone naman.”

P’wede maging real ang reel love team? 

“We take it day by day. We have to compromise, it’s up to us. Basta, we’re happy working together na may time na parang gusto mong makatrabaho ulit siya, kahit kauuwi pa lang namin from the taping.”

Tama nga yata ang production people, mukhang tinatablan na si Andre sa sweet scenes nila ni Barbie.

Sabi nga, diyan nagsisimula ‘yan. (Nora Calderon)