Nasawi ang isang 10-buwan na lalaki matapos siyang masagi ng isang pampasaherong bus sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot si Rence Marasigan Agoncillo, ng Batangas City, makaraan siyang mabundol ng isang Alabang Metro Link Bus (AA-12455).

Kaagad namang sumuko sa mga pulis ang driver na si Manolo Garcia, 56, ng Laoag City, na ngayon ay nahaharap sa reckless imprudence resulting to homicide.

Ayon kay SPO1 Giama Ibrahim, nangyari ang insidente sa terminal ng bus sa C-4 Road sa Barangay Bagong Bayan North (NBBN), dakong 6:20 ng gabi nitong Lunes.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Galing sa timog ang bus at pagarahe na nang hindi napansin ni Garcia sa bahaging likuran na naglalakad ang bata kasama ang ina nito. (Orly L. Barcala)