LUPAO, Nueva Ecija - Nakonsensiya kaya agad na sumuko sa himpilan ng Lupao Police ang isang 38-anyos na bus driver makaraang aksidente niyang mabundol ang isang 34-anyos na binatang magsasaka sa San Jose-Lupao Provincial Road.

Ayon kay SPO2 Abraham Florendo, dakong 10:30 ng gabi nitong Linggo nang tumilapon at nabagok si Joemax Galutan y Parayno matapos mahagip ng rumaragasang GL Transit bus na minamaneho ni Ariel Fang y Fregillana, 38, ng Kayapa, Nueva Vizcaya.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang kinakaharap ni Fang. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman