ROCCO, KYLIE, GLAIZA, SANYA, GABBI AT RURU copy

GINANAP last Monday ang storycon ng requel ng Encantadia na live napanood sa 24 Oras. Buong segment ng Chika Minute ang devoted sa storycon ng fantaserye na ginawa sa Studio 7 ng GMA Annex.

Excited ang mga nanood ng 24 Oras, lalo na ang mga bata noong ipalabas ang original na Encantadia na yuppies na ngayon. Nag-trending ang posts nila sa social media na lahat nagsasabing aabangan nila ang requel ng show.

Nakumpirma na ang unang naglabasan na ang apat na napiling Sanggre ay sina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Kylie Padilla.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kasama rin sa cast sina Rocco Nacino, Alfred Vargas, at Ruru Madrid na gaganap bilang Ybarro na ginampanan ni Dingdong Dantes.

Tiyak na marami ang magrereklamo sa choice ng GMA-7, production team ng fantaserye at ni Direk Mark Reyes. Pero sa halip na magreklamo at magalit, bakit hindi na lang natin hintayin ang airing ng requel ng Encantadia sa July?

(NITZ MIRALLES)