CRISTINE copy copy

TWO-MONTH pregnant daw si Cristine Reyes. Ito ang nalaman namin pagkaalis namin sa presscon ng pinagbibidahan niyang pelikulang Elemento sa Music Hall, Metrowalk noong Biyernes ng hapon.

(Editor’s note: Halos magkasabay lang sila ni Kristine Hermosa na one and a half month preggy naman sa fourth kid nila ni Oyo Sotto.)

Sayang at hindi namin kaagad nalaman ito, super late naman kasi nag-text ang taong nagbalita sa amin.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Pero posibleng totoo dahil ibang-iba ang itsura ni Cristine sa presscon, sobrang payat at humpak ang pisngi na malayo sa aura niya noong ipinagbubuntis niya ang panganay niyang si Amara.

Sabi ng source namin, nahihirapan daw kasing maglihi ngayon si Cristine at nasabay pa sa taping ng Tubig at Langis kaya mabuti na ring tapos na niyang gawin ang Elemento na ipalalabas na sa Abril 6 mula sa direksyon ni Mark Meily at under Viva Films.

Samantala, thankful pala ang aktres sa ABS-CBN dahil ipinagtanggol siya sa gusot nila ni Vivian Velez.

Bukod sa aktres ay kasama rin sa Elemento sina Albert Silos at Elizabeth Oropesa. (Reggee Bonoan)