Mga laro ngayon

(McKinley Hill Stadium)

3 n.h. -- UST vs ADMU (m)

8 n.g. -- DLSU vs NU (m)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ganap nang inagaw ng defending champion Far Eastern University ang unang puwesto matapos bokyain ang Adamson, 3-0, Huwebes ng gabi sa UAAP Season 78 men’s football tournament sa Moro Lorenzo Field.

Nagtala ng unang dalawang goal para sa Tamaraws si Nicolas Ferrer sa ika-14 at ika-29 minuto ng laro bago sinelyuhan ni rookie Mark Joseph Arranguez ang panalo.

Nauna rito, pinalakas ng University of the Philippines ang kampanya na makausad sa semi-final sa pamamagitan ng 1-0 paggapi sa University of the East.

Naitala ni Niño Muros ang solo at winning goal ng laro sa ika-24 na minuto.

Dahil sa panalo, tumabla ang UP sa University of Santo Tomas na mayroong 18 puntos sa ikalawang puwesto kasunod ng FEU na mayroong 20 puntos.

Nanatili ang Falcons sa ikapitong puwesto taglay ang tatlong puntos, habang ang Red Warriors na bumagsak sa ikawalong sunod nilang talo ay hindi natinag sa ilalim na mayroon lamang isang puntos. (Marivic Awitan)