luis-manzano copy copy

ISA si Luis Manzano sa showbiz celebrities na pumapatol sa fans na mahilig mag-bash sa mga artista.

Sey ni Luis, kahit anong araw o oras basta nasa mood siya at wala siyang ginagawa ay talagang pinapatulan niya ang haters, lalung-lalo na kapag medyo nao-offend siya.

Dagdag pa ni Manzano, kahit nga nitong katatapos lang na Holy Week, hindi niya pinalampas ang tumawag sa kanya sa Twitter ng “bakla” at nagsabi ring “wag mo nang balikan si Angel”.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Nandiyan ka pa rin sa bakla issue? 2/23/16 na bobo ka pa rin. Kung naging gagy man ako, alam ko di kita papatulan, mukha kang sexual predator ng mga bata sa park,” sunud-sunod pang tweet ni Luis.

Ipinost din niya ang photo ng basher na may caption na, “Meet my hater @Carly_Superstar, ikaw kauna-unahang kilala ko pinaglihi sa jebs. You aren’t being honest @Carly_Superstar, why do you hate your family, there is something you aren’t telling me, what happened talaga?”

Hindi tinigilan ni Luis ang naturang basher hangga’t nag-apologize ito sa kanya, huh!

Meron namang isa pang basher na nagsasabing hindi raw bagay si Luis bilang host ng Family Feud.

“It’s funny how my success hurts you, siguro you were never enough for your parents kaya kargo mo bitterness. It’s ok... Sit down with your parents and tell them how you feel, explain you never felt loved, explain everything,” resbak ni Luis.

Kalaunan, basher ang sumuko at na-block na si Luis nito. (JIMI ESCALA)