CAPAS, Tarlac - Masaklap ang sinapit ng isang dalagita na matapos lasingin ay halihinan umanong hinalay ng tatlong binatilyo sa Barangay Cristo Rey, Capas, Tarlac.

Nabatid sa imbestigasyon ni PO1 Jonalyn Tomas na naka-chat ng 14-anyos na biktima ang isa sa mga suspek, isang 17-anyos, sa Facebook hanggang nagkasundo silang magkita sa isang lugar.

Ayon sa report, pinuntahan ng binatilyo ang biktima at dinala sa bahay ng isa pang 17-anyos na suspek at nag-inuman sila roon kasama ang ikatlong suspek.

Lasing na umano ang dalagita nang lumabas ng bahay ang dalawang kaibigan ng kanyang chat mate, na sinamantala ng huli para kaladkarin ang biktima sa kuwarto at doon hinalay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nang dumating ang mga kaibigan, halinhinan ding hinalay ng dalawa ang dalagita. (Leandro Alborote)