DUBAI (AFP) — Sumiklab ang malaking sunog sa dalawang residential tower sa hilaga ng UAE emirate ng Ajman nitong Lunes.

Nagsimula ang apoy sa isang gusali sa 12 tore ng Ajman One residential cluster at kumalat sa isa pang tore, iniulat ng Gulf News.

Sinabi ng Ajman police na isang buntis ang naospital matapos mahirapang makahinga, habang limang katao pa ang nilunasan sa lugar dahil sa maliliit na pinsala.

Inilikas ang mga residente habang nilalabanan ng mga bombero ang apoy.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Sinabi ng isang residente sa AFP na ang sunog, malapit sa coastline, ay pinalala ng malakas na hangin.