ella at kiray copy

KUMALAT sa social media na may alitan sina Kiray Celis at Ella Cruz na parehong bida sa programang #ParangNormalActivity sa TV5.

May post kasi si Kiray noong Marso 26, “Yes, Totoo ang chismis… ‘Di kami okay ni @itsEllaCruz. Magkaaway kami ngayon. Kaya please… ‘wag na kayo magtanong!”

At si Ella naman, “Nakipaghamon po siya ng suntukan oh. @kiraycelis”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Pero naunang nag-post si Ella kamakailan ng, “Kung tunay kayong magkaibigan, kilala n’yo ang isa’t isa, hindi kayo maniniwala sa mga naririnig mo sa iba.”

Kaya marami ang nag-usisa kung ano ang dahilan at nag-away ang magkaibigan. Marami rin namang followers nila ang nagbigay na agad ng iba’t ibang konklusyon.

Dahil dito, tiniyempuhan naming maka-chat online si Kiray noong Linggo ng gabi, at agad itinanong ang tungkol sa gusot nila ni Ella, ang young star na binansagang Twerk Girl dahil mahilig magsayaw nito at saka ipinost sa social media account niya.

“Wala po kaming away ni Ella, Tita Reggee,” mabilis na sagot ni Kiray sa amin.

Ano ‘yung sagutan nila sa Twitter na nabasa ng lahat?

“Post po namin ‘yun for Ryle (Santiago) ng #Hashtag. Kasama namin dati sa #ParangNormalActivity. Kasi in-unfollow po kami sa Twitter ni Ryle.”

Big deal ba na in-unfollow sila ni Ryle? Ano ang isyu?

“Ewan ko po sa kanya kasi tinanggal siya sa show. Nagkaroon kami ng bagong season, wala na siya,” sagot ng aktres.

Sa madaling sabi, galit si Ryle sa mga taga- ParangNormalActivity?

“Ewan ko po sa kanya. Pinagtatawanan na lang namin siya, eh. Kasi kalalaki niyang tao dinadaan niya sa Twitter,” pagtatapat ng dalaga. At idinagdag na, “Sinisiraan ko daw siya, ha-ha-ha-ha-ha. Ewan ko po saan niya nakuha.”

Pinayuhan namin si Kiray na huwag nang patulan si Ryle at baka iba naman ang ibig nitong sabihin sa mga post nito.

“Korek! Pinatulan lang po namin ni Ella sa Twitter kasi epal na masyado,” katwiran ng dalaga.

Mukhang hindi nga maganda na nakikipagbaliktaktakan si Ryle sa social media lalo’t mga babae pa ang kasagutan niya, mas mabuti sigurong kausapin na lang niya nang personal sina Kiray at Ella.

Samantala, nakausap namin si Ryle bago nag-Semana Santa kaya hindi pa namin naitanong ang tungkol sa gusot nilang tatlo, pero aminado siyang nalungkot siya nang mawala siya sa #ParangNormalActivity dahil ito ang nagsilbing malaking break niya.

“Kasi po isa ako sa lead actor sa #ParangNormalActivity, eh, akala po kasi mawawala na ang show, ‘tapos biglang may extension, eh, nagawa na po ‘yung script na kunwari papunta na akong ibang bansa, so wala na ako sa next season,” sabi ng young actor.

Hmmm, hindi kaya ito ang pinanggagalingan ng tampo ni Ryle kaya may isyu siya kina Kiray at Ella?

E, ano ang naman ang alam ng dalawa? Hindi naman sila ang producer ng show. (REGGEE BONOAN)