TAIPEI (CNN) – Isang apat na taong gulang na babae ang pinugutan sa isang kaso ng random knife attack sa Taiwan, iniulat ng state media.

Lunes ng umaga nang atakehin ng 33-anyos na lalaki ang bata habang patungo sa metro station sa Taipei kasama ang ina nito, iniulat ng Central News Agency (CNA).

Ayon sa ina ng bata, nakasakay sa bisikleta ang kanyang anak isang metro ang layo mula sa kanya nang natigil ito.

Nakita niyang lumapit ang lalaki sa anak at inakalang tutulungan ito ngunit biglang bumunot ng patalim ang suspek at pinugutan ang bata.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

“I immediately grabbed him but I could not pull him away,” aniya.

Narinig ng mga tao ang sigaw ng babae at sumugod para awatin ang suspek hanggang sa dumating ang mga pulis.

Ayon sa pulisya, may problema sa pag-iisip ang lalaki at nagpapagamot sa isang psychiatric hospital.