Patay ang isang siga, na sinasabing sangkot sa iba’t ibang krimen, makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang papunta sa basketball court sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center si Archie “Bonbon” Delos Reyes, 21, residente ng Block 9-C, Lot 18 Phase 2, Dagat-Dagatan, Barangay Longos, dahil sa tama ng mga bala ng .45 caliber pistol sa ulo at katawan.

Ayon kay PO3 Rommel Habig, dakong 4:00 ng umaga, naglalakad patungong basketball court sa Dalagang Bukid si Delos Reyes para maglaro nang lapitan siya at pagbabarilin ng isang hindi kilalang lalaki.

Isinugod ng mga barangay tanod si Delos Reyes sa nasabing pagamutan, pero sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Sa edad na 21, nasangkot na sa iba’t ibang kaso ang biktima at marami na rin itong nakagalit sa kanilang lugar. - Orly L. Barcala