BRUSSELS (AP) — Isang linggo matapos ang madugong suicide bomb attacks, susubukin ng Brussels Airport ang kapasidad nito sa bahagyang pagbubukas ng serbisyo sa mga pasahero. Ngunit hindi pa malinaw kung kailan talagang magbabalik ang serbisyo nito, sinabi ng isang opisyal ng paliparan nitong Lunes.

Sinabi ni Florence Muls, ang external communications manager ng paliparan, na 800 staff members ngayong Martes ang susubok sa temporary infrastructure at new arrangements na dinisenyo para sa passenger check-in. Kailangang aprubahan ng Belgian government ang bagong sistema, ni Muls, bago muling maipagpatuloy ng Brussels Airport ang pamamahala sa passenger traffic.

Dalawang suicide bomber noong Marso 22 ang nagdulot ng malaking pinsala sa departure hall ng paliparan, at isa pang suicide bomber ang umatake sa Brussels subway train, na ikinamatay ng 35 katao at ikinasugat ng mahigit 20w0.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'