DAMASCUS, Syria (AP) – Matagumpay na naitaboy kahapon ng puwersa ng gobyerno, na suportado ng Russian airstrikes, ang mga mandirigma ng Islamic State (IS) mula sa Palmyra, winakasan ang paghahasik ng lagim ng grupo sa bayan na ang 2,000-anyos na guho ay dinarayo noon ng libu-libong turista.

Tumagal nang tatlong linggo ang opensiba ng militar sa pagtatangkang mabawi ang Palmyra, na nakubkob ng IS noong Mayo 2015. Ito ang huling kabiguan ng grupo, ilang araw matapos mapatay ng puwersa ng Amerika ang ikalawa sa pinakamataas na opisyal nito.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina