LLANERA, Nueva Ecija - Nasawi sa pagkalunod nitong Biyernes Santo ang isang pitong taong gulang na babae, makaraang madulas at mahulog sa malalim na bahagi ng swimming pool sa isang resort sa Barangay Plaridel sa bayang ito.

Sa ulat ni Senior Insp. Romeo Gamis, kinilala ang biktimang si Princess Rica Lastimosa Romero, ng Bgy. Caaniplahan, Talavera, na hindi na umabot nang buhay sa PJGMRMC Extension Hospital sa nasabing bayan. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae