Ikinasa ng pulisya ang manhunt operation laban sa isang bilanggo na tumakas matapos patayin ang kanyang asawa na dumalaw sa Leyte Penal Colony kahapon.

Sa imbestigasyon ng Regional Police Office 8, kinilala ang biktima na Maria Ignacio Venezuela, residente ng Barangay 35, Magallanes, Tacloban City, Leyte.

Agad na iniutos ang Abuyog Penal Colony, ang pagdakip sa suspek na si Boy Venezuela, may hatol na 14 taong pagkakulong sa kasong murder.

Posibleng selos ang nakikitang ugat ng krimen dahil naghihinala ang mister na may iba nang lalaking kinakasama ang kanyang misis. (Fer Taboy)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog