ZAMBOANGA CITY – Tinambangan umano ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga tauhan ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Albarka, Basilan, nitong Miyerkules ng umaga na nagresulta sa pagkamatay ng isang ASG commander.

Ayon sa ulat ng militar, aabot sa 10 armadong miyembro ng MILF ang nanambang sa anim na tauhan ng ASG sa Sitio Bohe Buug sa Barangay Macalang, Albarka, dakong 9:30 ng umaga nitong Miyerkules.

Patay sa insidente si Haipa Hapilon, anak ni ASG senior commander Isnilon Hapion.

Nangyari ang ambush may 200 metro ang layo sa isang kampo ng ASG, ayon sa military report.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Tinangay din umano ng MILF ang M-16 rifle ni Haipa Hapilon. (Nonoy E. Lacson)