Gabby Carla Rafael 3 copy

MORE than four months nang umeere ang primetime romantic-comedy na Because of You na pinagbibidahan nina Carla Abellana at Gabby Concepcion with Rafael Rosel, sa direksyon ni Mark Reyes, at extended pa pala ito, ayon sa post ni Carla sa kanyang Instagram account.

Ang caption sa kanyang post, “#BecauseOfYou WE’RE EXTENDED!!! Cheers to a few more weeks of #BecauseOfYou thanks to ALL OF YOU.”

Nagpadala rin ng congratulatory note si Direk Mark sa buong team.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

So, matagal pang mapapanood sina Andrea (Carla), Oliver (Rafael) at Boss Yummy (Gabby) na nagbibigay ng good vibes sa televiewers.

Paano na si Gabby? Nang huli namin siyang makausap, nalaman naming na may naghihintay nang bagong project sa kanya.

“Nag-iisip pa ako kung tatanggapin ko,” aniya nang tanungin naming kung may bagong offer sa kanya. “Magdi-depend iyon kung kailan matatapos itong serye namin.”

Paano ngayong extended ang serye, makakaalis ba si Gabby sa GMA Network?

“Mukhang hindi, kasi may susunod na siyang project sa Kapuso Network,” sabi ng aming source. “Maganda ang offer na project sa kanya at mukhang hindi niya p’wedeng tanggihan, kasi iba naman ito.”

Ayaw pang sabihin sa amin ng source kung anong project iyon. Basta after ng Because of You, iyon na ang susunod na gagawin ni Gabby. Kung nagpapatawa siya sa mga eksena sa serye, sa susunod daw na project, seryoso at palaban naman si Gabby. (Nora Calderon)