michael-pangilinan1 copy

SA grand presscon for Himig Handog Love Songs 2016, naitanong kay Michael Pangilinan ang balitang nali-link siya kay Denise Laurel, ang isa sa mga nakalaban niya sa Your Face Sounds Familiar.

Nagsimula ang tsika nang sorpresahin siya ni Denise sa nakaraan niyang second solo concert sa Music Museum titled Michael Really Sounds Familiar. Nag-duet din ang dalawa ng Endless Love and If I Ain’t Got You.

Nilinaw ni Michael na walang malisya ang samahan nila ni Denise.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Hayun, thankful ako kasi family ko sila and parang kapatid ko na si Denise. Kung may problema ako kung paano, kasi first baby ko kasi… and siyempre hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, nagtanong ako sa kanya kasi siya lang ang may baby sa amin sa Your Face, eh. ‘Paano ba ang ginagawa ng isang magulang?’ Tinuruan niya ako, so lahat ng mga maliliit na bagay.”

Tinatanaw niyang utang na loob ang lahat nang ginagawa sa kanya ni Denise.

“‘Yung iba sinasabi, ‘ay sila’ kasi minsan nakikita kami, eh, lumalabas kami niyan.”

So, inaamin niya na lumalabas-labas sila?

“Oo, kahit wala na ‘yung Your Face sobrang… basta thankful ako kasi ‘yung Your Face familyko talagang hindi nawala.

Kapag may time kami talagang lumalabas kami. Kasi nagbabasa ako ng Viber thread namin, nag-uusap sila ni Sam (Concepcion) ‘tapos sabi niya may sakit siya, so magpapahinga lang siya. So, akala ‘yung isa pang surprise guest akala ko si Sam. Eh, si Sam may trabaho rin.

“Nagsimula kasi ako pumasok sa kanila, sila sikat na ako wala pa, eh. Hindi nila ako pina-feel na ‘you don’t belong here!’ Hindi gano’n. Kaya thankful ako sakanila na nakakilala ako ng mga tunay na tao sa showbiz.”

Lantad naman ang relasyon ni Denise sa basketbolistang si Solomon Mercado noon pang 2013 hanggang sa ngayon.

Sabi pa ni Michael, sa mga nakasama niya sa YFSF, sina Sam, Denise at Kean Cipriano ang nakapalagayang-loob niya at itinuring na kaibigan.

Si Michael interpreter ang komposisyon ni Jungee Marcelo na Parang Tayo Pero Hindi in collaboration with Angeline Quinto sa finals night ng Himig Handog P-Pop Love sa Kia Theatre sa April 24, Linggo. (ADOR SALUTA)