SANTA IGNACIA, Tarlac – Nawalan ng silbi ang mahigpit na yakap ng isang vendor sa kanyang shoulder bag habang natutulog makaraang makulimbat ng hindi nakilalang kawatan, na sinasabing may karunungang itim, ang kanyang pera at mahahalagang gamit sa kanyang bag sa municipal playground sa Barangay Poblacion West, Santa Ignacia, Tarlac.

Natangay mula kay Gloria Tomas, 52, may asawa, ng Bgy. Pugo Cecilio, Santa Ignacia, ang dalawang cell phone na aabot sa mahigit P9,500 ang halaga, P7,000 na halaga ng gintong kuwintas, P10,000 cash, BDO passbook, driver’s license at SSS ID.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jerico Cervantes, isinara ng biktima ang kanyang karinderya dakong 11:00 ng gabi at natulog habang mahigpit na yakap ang kanyang shoulder bag, pero hindi niya namalayan nang kuhanin ito sa kanya ng suspek. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog