SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Nahuli sa entrapment operation ng pulisya ang isang 43-anyos na binata nitong Linggo ng umaga dahil sa pandarambong gamit ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Barangay Dizol sa lungsod na ito.

Sa ulat ni Supt. Nolie Asuncion, hepe ng San Jose City Police, kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang naaresto na si Walter Dela Cruz Miguel, ng Bgy. Pinagpanaan, Talavera, na nagpakilala umanong engineer ng National Power Corporation (Napocor) at facilitator ng 4Ps.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Regie Valenzuela, dakong 10:25 ng umaga nitong Sabado nang magsadya sa himpilan ng pulisya ang mag-asawang Ricardo at Jovelyn Elaurta, ng Zone 2, Bgy. Dizol rito, at inireklamo ang suspek na nangungupahan sa isa sa kanilang mga apartment sa lugar.

Hinikayat umano sila ni Miguel na maging miyembro ng 4Ps para makatanggap ng P1,200 bawat isa.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Makaraang mapatunayan na isa itong klase ng scam, nagsumbong sa pulisya ang mag-asawa at natukoy na sangkot din sa kaparehong modus operandi si Miguel sa mga katabing bayan sa Nueva Ecija at sa mga lalawigan sa Cordillera region. (Light A. Nolasco)