SAN PASCUAL, Batangas - Pitong tama ng bala sa katawan ang tinamo ng isang tindero ng gulay matapos siyang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa San Pascual, Batangas.

Naliligo sa sariling dugo nang datnan ng mga awtoridad si Danny Cañete, 39, taga-Barangay Banaba sa naturang bayan.

Ayon sa report ni PO3 Francisco Bonado, Jr., dakong 8:45 ng gabi noong Marso 18 nang nakarinig ng putok ang mga tao sa paligid hanggang makitang nakahandusay na ang biktima.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog