Claudine copy

TRULILI ba na ang isa sa mga dahilan ng agarang pagkawala sa ere ng Bakit Manipis Ang Ulap (hanggang Abril na lang) na pinagbibidahan nina Claudine Barretto, Meg Imperial, Diether Ocampo at Cesar Montano sa direksiyon ni Joel Lamangan(produced ng Viva Entertainment) for TV5 ay dahil magulo ang mga artista?

 

Ang isa sa mga usap-usapan sa showbiz circle na narinig namin, dahil hindi raw dumarating on time si Claudine at parati pang nagkakasakit. Hindi naman puwedeng maghintay para sa pamorningan na taping si Direk Joel na hindi puwedeng magpuyat dahil nga maysakit din siya, kaya 12 midnight ang cut-off time niya.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

 

Kaya nawawalan sila ng episode na isasalang sa ere, dahil lagi nga silang pack-up. Kaya kesa lumaki pa nang lumali ang gastos, minabuting tapusin na lang ang serye.

 

Nabanggit pa sa amin ng nakausap naming taga-TV5 na nag-replay na nga raw ang Bakit Manipis Ang Ulap dahil walang maiere.

 

Hindi rin daw maka-deliver si Diether in terms of acting tulad ni Roxy Barcelo na nauna nang tinanggal sa serye.

 

Nagpaalam naman daw si Cesar na kakandidato bagamat hindi naman binanggit sa amin ng source kung saan.

(Reggee Bonoan)