Sarah copy copy

MUKHANG nauuso ang mahabaang bakasyon sa showbiz. 

Babalik na ang The Voice Kids (Season 3), pero marami ang nagtataka kung bakit hindi na kasama si Sarah Geronimo bilang isa sa mga coach, e, siya pa naman ‘yung madalas piliin ng mga bagets. Matatandaan na ang unang grand winner sa The Voice Kids (Season 1) na si Lyka Gairanod ay mula sa kampo ng singer/actress.

Sa panayam ni Mario Dumaual ng TV Patrol itinanong niya kay Lea Salonga, ang isa pa sa mga voice coach, kung bakit mawawala na nga si Sarah, “I can neither confirm nor deny and I’m sure an announcement will be forthcoming. For sure me and Bamboo will still be there, kasi parang were like, ‘pare, kung wala ka ayoko nang gawin ‘to.’ Kasi he’s like somebody I know I can banter with.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

 

Bukod kina Sarah, Bamboo, at Lea ay nakasama rin si Apl de Ap sa The Voice (for grown ups) naman.

 

Nabanggit din sa report ng TV Patrol na hindi pa naglalabas ng official statement ang manager ni Sarah na si Boss Vic del Rosario tungkol sa isyung ito.

 

Samantala, nagtanung-tanong kami sa mga kakilala namin sa ABS-CBN kung ano ang dahilan ng hindi na pagbabalik ni Sarah saThe Voice Kids (Season 3).

 

“Mag-aaral daw,” kaswal na sabi sa amin ng isang source.

 

Tuluy-tuloy na ba o on-leave lang muna si Sarah sa career o sa Voice Kids lang?

 

“Wala pa kaming alam, Reggee,” sabi sa amin.

 

Samantala, isa sa main hosts ng ASAP 20 si Sarah G, iiwanan din kaya niya ito?

May natatandaan kaming sinabi ng aming source noon pa na gustung-gustong mag-aral ni Sarah pero hindi niya magawa dahil sa rami ng trabaho niya.

 

May sources din kaming nagkuwento sa amin na kamakailan lang ay nagkaroon ulit ng hindi pagkakaunawaan ang pop princess at ang mommy niyang si Mrs. Divine Geronimo na dumating pa raw sa puntong nagpalipas muna sa ibang bahay ang singer/actress at isang buwan niyang hindi sinipot ang ASAP 20.

 

May usap-usapan na naman ang mga taong malalapit kay Sarah tungkol sa isyu na wala itong sariling ATM card kaya hindi nito mabili ang gusto niya dahil binibigyan lang siya ng weekly allowance.

 

Pero baka ito naman daw talaga ang usapan ni Sarah at ng mga magulang niya para makapag-ipon ang dalaga, na nangyayari naman.

 

Goodluck kay Sarah kung totoong babalik na siya sa pag-aaral na makabubuti siyempre sa kanya. (REGGEE BONOAN)