Valeen copy

MABILIS nawala si Valeen Montenegro sa presscon ng Poor Señorita. Hinanap siya ng press people pagkatapos ng Q&A, pero hindi na siya nakita. 

Walang makasagot sa mga taga-GMA Corporate Communication sa tanong ng mga reporter kung bakit biglang nawala ang controversial actress. Dumating ang manager ni Valeen sa presscon at sabay na silang umalis.                        

        

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang dami pa namang gustong itanong ng mga reporter kay Valeen, kabilang ang kontrobersiya sa kanila ni Ciara Sotto.

 

Nang mag-deny si Valeen sa isyung siya ang rason sa paghihiwalay nila ng kanyang husband, nag-tweet agad si Ciara ng “Deny pa more.”

Gusto rin sanang alamin ng press people kung Kapuso talent na si Valeen dahil ang dami niyang shows sa GMA-7. Bukod sa Poor Señorita, may Sunday Pinasaya at Bubble Gang pa siya. Mabuti at wala pang homegrown talent ng GMA-7 na nai-insecure kay Valeen. (Nitz Miralles)