MAAN, Jordan (AP) — Umakyat na sa 16 ang bilang ng mga Palestinian pilgrim na namatay matapos bumaligtad ang kanilang sinasakyang bus sa katimogan ng Jordan nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ng mga opisyal kahapon.

Nalihis sa kalsada ang bus sa aksidente nitong Miyerkules ng gabi sa lungsod ng Maan sa hangganan ng Jordan sa Saudi Arabia.

Ang mga pasahero, lahat ay nagmula sa West Bank, ay patungo sana sa isang Muslim pilgrimage sa Saudi Arabia.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'