Karla Estrada copy

MARAMING naaliw sa guesting ni Karla Estrada sa Gandang Gabi Vice last Sunday lalo na sa sinabi niya na pinapangarap pala niyang magkaroon ng TV show na superheroine siya.

Mukhang spoof ng Darna ang mangyayari.

Sabi ni Vice, hindi puwedeng Wonder Woman dahil imported ‘yun at hindi rin puwedeng Darna kasi may iba nang gagawa kaya ang bagay kay Karla ay Barna since paborito niya at ng mga anak niya si Barney.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Kaya ang kinakanta lagi ni Barney na, ‘I love you, you love me’ ay ipinakanta kay Karla, rock version sabay sigaw ng Barna sa huli.

Mabenta ang pagsigaw ni Karla ng Barna na katunog ng Darna, kaya ilang beses ipinaulit ni Vice.

Nabanggit din ni Karla na gusto niyang magkaroon ng travel show, hindi lang niya alam kung pagbibigyan siya ng management para sa pinirmahan niyang 2-year exclusive contract sa ABS-CBN.

Samantala, tinanong ni Vice si Karla kung ano ang gagawin niya sa nalalapit na Her Highness concert niya sa April 30 sa KIA Theater, Araneta Center.

“Actually, kinakabahan nga ako, gusto ko na nga mag-back out (ito rin daw ang sinabi niya sa producer na si Erickson Raymundo, kuwento sa amin). Bahala na, go lang nang go,” sabi ng tinagutariang Queen Mother sa showbiz dahil Teen King ang anak niyang si Daniel Padilla.

Tinext namin si Karla pagkatapos naming mapanood ang GGV kung ano ang preparasyong ginagawa niya ngayon para sa concert.

“Swimming lang at exercise para lumakas ang lungs,” sagot sa amin.

Wala pang idea si Karla kung sinu-sino ang guests niya, pero sinigurado niya na si Vice ang isa at ang mga nakasama niya sa Your Face Sounds Familiar.

Special guest ba si Daniel?

“Ay, hindi, baka manood lang siya.”

Marami pa sana kaming gustong itanong pero since may presscon naman si Karla ngayong araw, Miyerkules, e, doon na lang. (Reggee Bonoan)