CABANATUAN CITY – Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang isang 62-anyos na biyudang negosyante makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin habang naglalakad sa panulukan ng Del Pilar at Sanciangco Streets sa lungsod na ito, Biyernes ng umaga.

Kinilala ng Cabanatuan City Police ang biktimang si Simprosa Buse y Jacinto, mag-aalahas, ng 1033 Rizal Street, Barangay Rizdelis na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa ulo at leeg.

Lumitaw sa imbestigasyon ni PO3 Erwin Gonzales na dakong 6:00 ng umaga, nag-iisang naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklong walang plaka at malapitang pinagbabaril ang biktima.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo sa pamamaslang. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog