Inaalam ngayon ng pulisya kung sino ang may-ari ng mga bomba na nahukay sa dalampasigan ng Barangay Magallanes sa bayan ng Luna, La Union, nitong Biyernes ng gabi.

Batay sa ulat ng Luna Municipal Police, 40 pambasabog ang nadiskubre sa nabanggit na lugar.

Kinumpirma naman ng Police Regional Office (PRO)-1 Explosive and Ordnance Division (EOD) na Trinitrotoluene (TNT) ang mga nahukay na pampasabog.

Ayon sa pulisya, isang bata ang nakahukay sa unang pampasabog na agad namang ipinaalam sa awtoridad.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

May hinala ang pulisya na ginagamit sa ilegal na pangingisda ang nasabing mga bomba, dahil pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay sa lugar. (Fer Taboy)