Walang pag-aalinlangang tinanggap ng Liberal Party (LP) standard bearer na si Mar Roxas ang hamon ng kanyang katunggali na si Senator Miriam Defensor-Santiago na sumailalim siya sa lifestyle check kasunod ng mga ulat na umabot na sa P6 bilyon ang ginastos ng dating kalihim sa pangangampanya.

“I’m okay with lifestyle check. Our records are open and all of them will be submitted after the elections,” sinabi ni Roxas sa panayam sa Imus, Cavite.

“Wala akong itinatago. Malinis ang record ko. Wala akong bahid ng anomalya,” pagdidiin pa ni Roxas.

Si Roxas ang itinuturing na isa sa mga top spender sa political advertisement, kasama sina Vice President Jejomar Binay at Sen. Grace Poe.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Mula sa maimpluwensiyang angkan ng Araneta, sinabi ni Roxas na ang mga ginagastos niya sa kampanya ay kung hindi galing sa kanyang bulsa ay nagmula sa donasyon ng mga kaibigan at mga tagasuporta. (Aaron Recuenco)