Adam at Behati copy

TIYAK na marami ang magmamahal sa baby na ito. Nagdadalantao na ang modelong si Behati Prinsloo sa magiging unang anak nila ng kanyang asawang si Adam Levine. Eksklusibong kinumpirma ng US Weekly ang balitang ito.

Iba’t ibang source ang nagsabi sa US na tatlo hanggang apat na buwan na ang ipinagbubuntis ng Victoria’s Secret Angel, 26, ang kanyang rakistang asawa ay “over the moon” na magiging ganap na itong ama.

Isang buwan pagkaraang maikasal sa Mexico noong Hulyo 2014, isiniwalat ni Levine, 36, na siya at kanyang asawa ay sabik na sabik nang bumuo ng sariling pamilya — at malaking pamilya ang gusto nila.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“We’re definitely going to do it,“ sabi ng Sugar singer sa panayam sa kanya ni Ryan Seacrest, bago sinabing: “I want to have 100 kids. I want to have more kids than would be socially responsible.”

Matagal na ring pinangarap ni Prinsloo na maging ganap na ina. Bago pa siya maging Mrs. Levine, sinabi ng Namibian-born beauty sa Net-a-Porter’s The Edit na siya ay may “definite” na plano na magkaroon ng anak sa Maroon 5 frontman.

Gaya ng naiulat kamakailan ng US Weekly, ang mag-asawa ay nagsimulang lumabas noong Hunyo 2012 at magkasamang naglakad sa red carpet bilang opisyal na magkasintahan noong Oktubre sa GQGentlemen’s Ball sa NYC. Pagkaraan ng dalawang taon sila ikinasal.

“She makes me the best person I can be,” sabi ni Levine sa pagdating sa buhay niya si Prinsloo noong 2014 Tribeca Film Festival. “She’s the best in the world.” (US Weekly)