Mga laro ngayon

(Ynares Sports Arena)

2 n.h. -- Wangs vs CafeFrance

4 n.h. -- UP QRS/JAM vs Tanduay

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Target ng liyamadong Café France at No.4 seed UP-QRS/Jam Liner na makausad sa semifinals sa pakikipagharap sa kani-kanilang duwelo sa quarterfinal match-up ng 2016 PBA D-League Aspirants Cup ngayon, sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kapwa hawak ng Bakers at Maroons ang bentaheng twice-to-beat makaraang manguna sa pagtatapos ng single round elimination.

Makakasagupa ng Bakers ang No.8 seed Wang’s Basketball sa 2:00 ng hapon, habang makakaharap ng Maroons ang Mindanao Aguilas sa 4:00 ng hapon.

“I just hope yung magandang laro na ipinakita namin against Phoenix, magtuluy-tuloy hanggang sa playoffs,” pahayag ni Café France coach Egay Macaraya.

“Kailangan kunin na namin agad, kasi pag binigyan mo ng chance yung Wangs, capable silang maka-upset,” aniya.

(Marivic Awitan)