Alden N Maine - Boracay copy

MAY kakaibang date sina Alden Richards at Maine Mendoza last Sunday, a day after ng special 21st birthday celebration ng dalaga sa Eat Bulaga last Saturday. 

Oxygen pa more ang tweets ng AlDub Nation, hindi raw sila na-orient na may ganoong mangyayari. So, iyon pala ang sinabi ni Alden na special gift niya kay Maine noong Sabado. Nangantiyaw kasi ang bashers na cheap daw ang limang gifts. Pero dagdag ni Alden nang co-host na siya ni Vic Sotto sa “Juan For All” segment ng Eat Bulaga, “saka the day after Saturday.” Say ni Bossing Vic, “Oo, tandaan mo ‘yan, mayroon pa siyang ibang regalo.”

Kaya kahapon, maaga pa lang ay sunud-sunod na ang tinanggap naming sent photos na kuha kay Maine with some Eat Bulaga staff, EB Dancers and close friends na sabi’y papunta raw ng Boracay. Pero nasaan si Tisoy, hindi raw ba kasama?

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Napag-alaman na noong Saturday, after ng Eat Bulaga, nag-tape na si Alden ng kanyang “DJ Bae” segment sa Sunday Pinasaya. Kaya pala may invitations na hindi tinanggap ang dalawa for Sunday, dahil may “Sundate” sila. Private plane daw ang nagdala sa kanila sa Boracay,at pag-alis pa lamang sa hangar hanggang sa makarating sa Boracay ay sunud-sunod na ang post sa Instagram (IG). Later on, nag-post na si Maine na kasama si Alden. 

May nagsasabing may TVC shoot ang dalawa kaya raw sila nagtungo sa Boracay, pero ang ikinatutuwa ng fans ay nagkaroon ng quality time para sa isa’t isa ang dalawa at i-enjoy kahit ilang oras lamang sila sa Boracay. Pero ang totoo, kinutsaba pala sila ni Alden na kunwari ay may TVC shoot sila roon. Nakita sa posts ang pamamasyal nila, at si Maine na naka-two-piece bikini pero may robe na suot na sabi sana raw ay tanggalin, sabi ng netizens. May post noon na kunwari ay nakasakay sila sa jetski, ngayon ay nagkatotoo na, dahil nag-enjoy silang ikutin ang dagat sakay nito, nag-parasailing din sila.

Ang hinihintay na lamang ng AlDub Nation ay ang pag-amin nina Alden at Maine. Hindi raw sila naniniwala na wala pang relasyon ang dalawa, pagkatapos sabihin ni Alden na lahat ng mga ginawa niya ay totoo, para kay Maine.

Katunayan, ibinalita sa “Chika Minute” ng 24 Oras Weekend noong Sunday na nadulas daw si Alden na ‘love’ pala ang term of endearment nilang dalawa.

Bumalik din si Alden sa Manila kinahapunan, si Maine, Monday morning bumalik, just in time sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Samantala, paalis si Alden ngayong gabi para sa concert sa Dubai with Aicelle Santos and Betong Sumaya. May meet and greet sila with the fans sa Copthorne Hotel at Diera Dubai at 6:00 PM. Ang concert ay sa Thursday, March 10 sa Al Nasr Leisureland, Dubai, UAE, titled Kapusong Pinoy Sa Dubai for GMA Life TV, GMA Pinoy TV at GMA News TV International. (Nora Calderon)