Maria Ozawa copy copy

MALAKING gulo ang ginawa ni Maria Ozawa nang aminin sa podcast interview sa kanya ni Mo Twister na naka-one night stand niya si Cesar Montano at idinagdag pang malaki ang manhood ng aktor.

Na-headline sa newspapers ang sinabing ‘yun ni Maria, na-bash si Cesar, nasira na naman ang reputasyon nito, at pagkatapos, babawiin ni Maria ang inamin dahil nagbibiro lang daw siya.

Sa Twitter, nag-tweet si Maria ng, “I saw the news but it was a joke and was just having fun with the whole topic and broke my heart that they are saying such things...”

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Sinundan ito ni Maria ng post sa Instagram (IG) ng quotation na parang may nais iparating kay Mo Twister: 

“Your eyes were too innocent for me to see that you were planning on ruining me. I wasn’t prepared for your little show deafened by your smile, I didn’t hear the ‘hell’ in your ‘hello’.” 

Ang caption ni Maria sa quotation ay “learned a lesson, nvr j/k w/sensitive topics.”

May mga nakaintindi kay Maria at si Mo ang sinisi, pero may mga nagalit din sa kanya. May nagpayo rin sa kanyang mag-apologize kay Cesar at huwag nang magpa-interview kay Mo. 

Pero totoo kayang during the interview, sinabi na ni Maria na joke lang ang mga sinabi niya, pero in-edit?

May mga nag-advise rin kay Cesar na magdemanda ng libel laban kay Maria dahil hindi lang ang kanyang pagiging artista ang sinira ng leading lady niya sa Nilalang, pati ang pagiging ama niya sa mga anak.

As of today, wala pang reaction si Cesar sa controversy na dala ng hindi magandang biro ni Maria. 

Naalala namin, aliw na aliw pa naman siya sa Haponesa nang humarap sila sa mga reporters sa presscon ng nabanggit na pelikula. (NITZ MIRALLES)