MARIAN, DINGDONG AT BABY ZIA copy

PINATUNAYAN ni Dingdong Dantes na hands-on din siya pagdating sa pag-aalaga sa anak nila ni Marian Rivera na si Baby Letizia, at master na niya ang pagpapalit ng diaper.

Tinalo pa nga niya si Arnold Clavio nang mag-guest siya last Wednesday sa Tonight With Arnold Clavio sa GMA News TV sa pagpapalit ng diaper ng baby. Mabilis siyang nakapagpalit ng diaper ng baby doll, at nang subukan naman siya ni Arnold na magpalit ng lampin, mas marunong siya kaysa kay Arnold.

Inamin ni Dingdong, na pagdating sa pag-aalaga sa kanilang anak, si Marian ang talagang hands-on pero kapag nagigising sa madaling araw si Baby Z, gumigising din siya at sinasamahan ang asawa.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Tinanong siya ni Arnold kung masusunod ang sinabi ni Marian noon na isang basketball team ang gusto nitong maging anak nila.

“Kung ilan talaga ang ipagkaloob ng Diyos sa amin, hindi kami tatanggi,” sagot ni Dingdong. “Siguro, four to five children, pwede na.”

Nang tawagan ni Arnold si Marian, narinig ang iyak ni Baby Z, at sinabi agad ni Dingdong na, “Sige, anak, sandali na lang uuwi na ako.”

Hindi nila naiiwanan nang matagal ang anak nila, pero lumalabas pa rin sila ni Marian para magkaroon naman ng time na magkasama sila, kahit once-a-week na dinner lang. Iniiwan nila ang anak sa mommy ni Dong o sa mommy ni Marian.

Ayaw magsalita ni Dingdong tungkol sa pulitika, basta ready siya lagi as commissioner-at-large ng National Youth Commission na tumutulong sa kabataan. Very eager na siyang bumalik sa pag-arte. Kaya hindi niya tinanggihang mag-guest sa Magpakailanman na mapapanood na ngayong gabi, pagkatapos ng Lip Sync Battle Philippines.

“Nami-miss ko na rin ang acting kaya natuwa ako nang i-offer sa akin ang episode na mapapanood na sa Saturday, ang ‘Kriminal Na Binuhay ng Diyos’. Love to work again with Ms. Carmi Martin, Bettina Carlos, Rap Fernandez, Joko Diaz, Rez Cortez, Shermaine Santiago, Joshen Bernardo at Justin de Leon with Ms. Mel Tiangco. Salamat dahil matagal-tagal na rin ang huli kong paggi-guest kay Tita Mel.”

Ayaw mag-comment si Dingdong sa gusto ng fans na since si Marian ang gaganap na Ynang Reyna sa Encantadia, sana raw ay siya naman ang gaganap na asawa nito na si Raquim. Maging si Marian, ayaw ding magsalita tungkol dito. Hayaan daw na GMA ang mag-announce kung sinu-sino ang bubuo sa cast ng bagong Encantadia. (Nora Calderon)