Isang pari ang naaresto ng pulisya sa drug buy-bust operation sa North Cotabato.

Kinilala ng Midsayap Municipal Police ang nadakip na si Father John Ferolin, ng Barangay Katingawan, Midsayap, North Cotabato.

Nabawi mula kay Ferolin ang ilang gramo ng shabu at drug paraphernalia.

Sinabi ni Supt. Tom Tuzon na bago madakip ay nagmisa pa si Father Ferolin sa isang simbahan sa Midsayap at Libungan sa North Cotabato.

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

Inamin ni Ferolin na isa siyang pari sa ilalim ng Salesian Missionary at Military Ordenariate of the Philippines, at dating nadestino sa Caloocan City Archdiocese.

Aniya, nasa Villamor Air Base sa Pasay City ang umano’y congregation center ng Military Ordenariate of the Philippines.

Nabatid na dati nang nagmisa si Ferolin sa Archdiocesan Shrine of Santo Niño sa Midsayap, ngunit natigil nang malaman ng ibang pari ang pagkagumon niya sa ilegal na droga. (Fer Taboy)