CHARLONE copy

FOUNDLING means an infant that has been abandoned by his/her parents and is discovered and cared for by others.

Ganito ang life story ni Charlone ng dating Pinoy Big Brother 2015 housemate na binansagan ni Yours Truly na The Foundling Man, bilang pantapat kay Carrot Man.

Ipinanganak si Charlone sa Olangapo 22 years ago. Pinay ang kanyang biological mother at U.S. Air Force man ang kanyang biological father, ayon na rin sa unang pamilyang kumupkop sa kanya.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Hindi na siya kayang tulungan ng pamilyang iyon kaya ipinaampon siya sa pangalawang pamilya.

Ganoon din ang nangyari sa pangalawang pamilya na kumukop sa kanya, tipong hindi na rin siya kayang buhayin at pag-aralin, kaya ipinasa rin siya sa iba.

Ang pangatlong pamilyang kumukop sa kanya ay taga-Iloilo, at doon na siya lumaki at nagkaisip.

Nagpunta siya sa GenSan para mag-audition sa PBB. Luckily, nakapasa siya sa audition at napabilang siya sa PBB last year.

‘Yon nga lang, isang buwan lang ang itinagal niya sa Bahay ni Kuya. Hindi kasi niya nagawa ang task na ibinigay sa kanya ni Pinoy Big Brother. Automatic, tanggal siya. No voting-ek. Ending, lumabas siya ng Bahay ni Kuya na walang tiyak na patutunguhan.

Pero may saying nga na ang mga batang inabandona ng kanilang mga magulang ay Children of God at hindi kailanman pababayaan ni Lord God Jesus Christ.

And presto, nakilala niya ang mag-asawang Jojo at Angel Flores ng Jams Artist Production na nagsu-supply ng talents, extras, supporting characters sa mga teleserye ng Kapamilya, Kapuso at Kapatid networks at sa mga TVC agency. Bale ang mag-asawang Jojo at Angel ang tumatayong pang-apat na pamilya niya.

In person and in photos, masasabing star material si Charlone aka The Foundling Man. Ang height niya ay 5’10”, maganda ang pangangatawan at makinis ang kutis.

And mind you, he can sing, he can dance and he can act. O, saan ka pa? Insert smiley, u!

So watch out for this guy, Charlone aka The Foundling Man dahil sooner than soon he’ll make a big name in showbiz world – his panglimang pamilya na maituturing ‘ika nga.

Let’s all welcome him and wish him well with a big, big bang! (MERCY LEJARDE)