Apat na miyembro ng pamilya, kabilang ang dalawang menor de edad, ang tinambangan at napatay ng hindi pa nakikilalang suspek sa Cotabato City, iniulat kahapon ng pulisya.

Ayon sa Cotabato City Police Office (CCPO), nangyari ang insidente sa Raja Tabunaway Street sa Cotabato City.

Nasawi sina Jun Mirato, 22; Rahima Tan, 42; Sansay, 10; at Guiabel, 11, pawang nakatira sa Piang Street sa Cotabato City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang pananambang ay bumisita ang mga biktima sa kaanak nilang nasa Cotabato City Jail.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Malaki ang hinala ng pulisya na rido o away-pamilya ang motibo sa pagpatay, na iniimbestigahan na ng awtoridad.

(Fer Taboy)