James at Julia copy

NGAYONG gabi ang finale presscon ng And I Love You So at iisa ang tanong ng mga katoto, ‘darating kaya si Julia Barretto?’

Bakit nga ba interesado ang entertainment press kay Julia?

Dahil siya ang huling babaeng nali-link kay James Reid at kung anong masasabi o side niya na ipinagsisigawan na sa buong mundo ng aktor na si Nadine Lustre ang mahal nito. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ayon sa mga nasusulat sa entertainment pages ng mga diyaryo, walang pormal na relasyon sina James at Julia dahil walang ligawang nangyari tulad ng ginawa ng aktor kay Nadine na dinadalaw pa sa bahay ang dalaga at hinaharap ang mga magulang.

Samantalang si Julia ay nakaka-hang out lang ni James sa mga bar at madalas din silang nakikitang nagkakape sa kung saan-saan.

Trulili rin kaya ang balitang hindi puwedeng magsama sa iisang programa sina James at Julia?

Anyway, gusto naming malaman ang kasagutan sa mga tanong na ito kay Julia mamayang gabi at sana ay dumalo siya or payagan ang entertainment press na makausap ang dalaga.

Kay James kaya iaalay ni Julia ang awiting And I Love You So?

Si James kaya ang dahilan kaya hindi kinagat ng tao ang love team nina Julia at Iñigo Pascual na may chemistry naman nu’ng una? (Reggee Bonoan)