ARIES [Mar 21 - Apr 19]

Kumpletuhin muna ang mga gawain bago mag-relax. Bukas, puwede mo nang unahin ang pagre-relax.

TAURUS [Apr 20 - May 20]

Personal problems ang lalamon sa attention mo, at mahihirapan kang mag-focus sa work. Huwag dalhin sa trabaho ang problema sa bahay, at vice versa.

GEMINI [May 21 - Jun 21]

Human-Interest

#BalitaExclusives: Si Daisy Veraces, ang mother na construction worker

Nalusutan ka ng isang suwerte na matagal mo nang hinihintay. Ngayon, kakailanganin mo na namang maghintay ng another 15 years para sa bagong suwerte.

CANCER [Jun 22 - Jul 22]

Don’t let your enthusiasm cool off, kailangan mo itong i-maximize.

LEO [Jul 23 - Aug 22]

Naubusan ka na ng baong success, at hindi mo ito kasalanan. Ganun talaga, ‘di laging pabor sa ‘yo ang kapalaran.

VIRGO [Aug 23 - Sep 22]

Ipagpatuloy today ang victory na ilang araw mo nang ninanamnam. Konting push pa.

LIBRA [Sep 23 - Oct 22]

Igigiit mo today ang iyong ambisyosong aspirations para sa isang project. Maging practical.

SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]

Marami kang maa-accomplish sa umaga, pero sadly, hindi mo masu-sustain ang energy mo hanggang sa gabi.

SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]

Sobrang active ka sa pagbusisi sa bawat detalye ng isang project. Nagsasayang ka lang ng oras, alam mo ‘yan.

CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]

Napapansin mong nagiging hingalin at tamad ka lately. Kailan ka ba huling nag-exercise?

AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]

Hindi mo mage-gets ang maraming bagay sa paligid mo. Lutang ka na naman!

PISCES [Feb 19 - Mar 20]

As usual, nakanganga ka na naman sa mga usaping finances, personal resources, at life values. Ano ‘yan, wala kang pinagkakatandaan?